Programang Pag-recall at Pagpalit ng Baterya ng HP Notebook Computer at Mobile Workstation para sa Kaligtasan

  
  
  
Ang HP ay nakatuon sa pamamahala ng kauna-unahang sitwasyong kaugnay ng Coronavirus (COVID-19) na nangangailangan ng agarang hakbang at matinding pagmamalasakit. Pakiunawa sana na maaaring medyo maaantala ang mga serbisyo dahil sa emergency sa pampublikong kalusugan kaugnay ng paglaganap ng COVID-19 sa buong mundo.


Pinalawig ang programa noong Agosto 2019. Mahalagang suriin muli ang iyong baterya, kahit pa ginawa mo na ito dati at nasabihan kang hindi ito apektado. Kung nakatanggap ka na ng pamalit na baterya, hindi ka apektado ng pagpapalawig na ito.

Noong Agosto 2019, pinalawig ng HP ang pandaigdigang boluntaryong programa ng pangkaligtasang pag-recall at pagpapalit ng baterya ng mga partikular na notebook computer at mobile workstation na inianunsyo noong Enero 2018 at pinalawig noong Enero 2019.

Ang mga bateryang ito ay posibleng sobrang uminit, na magdudulot ng panganib ng sunog at pagkapaso sa mga kostumer. Dahil dito, mahalagang suriin muli ang iyong baterya, kahit pa ginawa mo na ito dati at sinabihan kang hindi ito apektado. Gayunman, kung nakatanggap ka na ng pamalit na baterya, hindi ka apektado ng pagpapalawig na ito.

Ang mga bateryang apektado ng programang ito ay maaaring ipinadala kasama ng mga partikular na HP ProBook 64x (G2 at G3), HP ProBook 65x (G2 at G3), HP ProBook 4xx G4 (430, 440, 450, 455, at 470), HP x360 310 G2, HP ENVY M6, HP Pavilion x360 15 inch, mga HP 11 notebook computer at HP ZBook (17 G3, 17 G4, at Studio G3 at G4) mobile workstation na naibenta sa buong mundo mula Disyembre 2015 hanggang Oktubre 2018. Naibenta rin ang mga ito bilang mga accessory o ibinigay bilang pamalit mula Disyembre 2015 hanggang Disyembre 2018 para sa mga produktong nasa itaas, gayundin bilang mga karagdagang piyesa sa pamamagitan ng HP o ng awtorisadong Tagapagbigay ng Serbisyo ng HP, kabilang ang mga partikular na produkto ng HP Mobile Thin Client.

Marami sa mga bateryang ito ang internal sa system, na nangangahulugang hindi ito maaaring palitan ng mga kostumer. Naglalaan ang HP ng mga serbisyong pagpalit ng baterya ng awtorisadong teknisyan nang walang bayad. Maglalabas din ang HP ng update sa BIOS upang idagdag ang mga bateryang apektado ng pagpapalawig ng programa. Inilalagay ng na-update na BIOS ang baterya sa "Battery Safety Mode" nang sa gayon ay ligtas na magagamit ang notebook o workstation nang wala ang baterya sa pamamagitan ng pagkonekta sa isang HP power adaptor. Ang mga bateryang apektado ng pag-recall na ito ay dapat ilagay kaagad sa "Battery Safety Mode".

Naaangkop lamang ang Battery Safety Mode sa mga produkto ng HP na apektado ng recall na ito. Kapag natukoy ng proseso ng pag-validate na kwalipikado ang isang baterya para mapalitan, dapat ipatupad ang BIOS update at dapat i-reboot ang system. Sa panahon ng proseso ng pag-reboot, ipapakita ang opsyong paganahin ang Battery Safety Mode. Ang pagtanggap sa Battery Safety Mode ang magpapa-discharge sa baterya at magpapatigil sa pag-charge sa hinaharap hanggang sa ma-disable ang Battery Safety Mode. Mariing inirerekomenda ng HP ang pagtanggap sa Battery Safety Mode nang sa gayon ay maaaring gamitin ang notebook o mobile workstation nang ligtas sa pamamagitan ng pagkonekta sa isang HP power adaptor. Para sa mas marami pang impormasyon, mangyaring sumangguni sa tab ng Mga Madalas Itanong (FAQ) sa website na ito.

Ang pangunahing alalahanin ng HP ay para sa kaligtasan ng aming mga kostumer. Maagap na inaabisuhan ng HP ang mga kostumer, at naglalaan ito ng mga walang bayad na serbisyong pagpalit ng baterya para sa bawat beripikado at kwalipikado na baterya. Para sa mga kostumer na may 5 o higit pang posibleng apektadong baterya, nagpatupad ang HP ng proseso upang makatulong sa pag-validate at pag-order. Para sa mga detalye, mangyaring sumangguni sa tab ng Mga Madalas Itanong sa website na ito.

Pagsisimula

Tandaan: Hindi lahat ng baterya sa lahat ng HP ProBook 64x, HP ProBook 65x, HP ProBook 4xx, HP x360 310 G2, HP ENVY, HP Pavilion x360 15 inch, HP 11 notebook, HP Thin Clients, at HP ZBook mobile workstation ay apektado ng pag-recall na ito.

Ang Utilidad ng Pag-validate ng Baterya ng HP (HP Battery Program Validation Utility) ang susuri kung apektado ang baterya sa inyong notebook computer. Wala pang 30 segundo ang pag-validate gamit ang utilidad

Pag-download ang Utilidad ng Pag-validate ng Baterya ng HP

Ang minimum na kinakailangang system para sa utilidad ay:
· Windows Operating System
· Microsoft .Net Framework 4.5.2
· HP Software Framework
Kung hindi kayo nakakatugon sa mga minimum na requirement, paki-download ang fully loaded na yutilidad sa pagpapatunay ng baterya na mag-i-install ng mga kinakailangang framework.

Pagkatapos ng pag-install, i-click ang icon na ito sa iyong desktop upang itsek ang iyong baterya:

Mga Pangalan ng Produktong Notebook para sa mga bateryang maaaring apektado

Ang mga sumusunod na produkto ay maaaring ipinadalang may kasamang mga apektadong baterya

ProBook HP Probook 640 G2 HP ProBook 640 G3
HP ProBook 645 G2 HP ProBook 645 G3
HP ProBook 650 G2 HP ProBook 650 G3
HP ProBook 655 G2 HP ProBook 655 G3
HP ProBook 430 G4 HP ProBook 440 G4
HP ProBook 450 G4 HP ProBook 455 G4
HP ProBook 470 G4
ZBook HP ZBook 17 G3 HP ZBook 17 G4
HP ZBook Studio G3 HP ZBook Studio G4
x360 HP x360 310 G2
Pavilion HP Pavilion x360 15 inch
ENVY HP ENVY m6
HP 11 HP 11 Notebook PC

Ang mga sumusunod na produkto ay tugma sa, ngunit hindi ipinadala na may kasamang, mga apektadong baterya. Ang mga kostumer ay maaaring nakabili ng baterya bilang accessory o nakatanggap ng pamalit na baterya sa pamamagitan ng mga serbisyong apektado ng recall.

ProBook HP ProBook 430 G5 HP ProBook 440 G5
HP ProBook 450 G5 HP ProBook 455 G5
HP ProBook 470 G5
ENVY HP ENVY 15
Mobile Thin Client HP mt20 HP mt21
HP mt31